Umaabot na sa 91 na indibidwal na “close contact” ng 16 na bagong kaso ng Delta variant sa bansa ang natukoy na ng Department of Health o DOH.
Sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na 8 sa mga natukoy ay mula sa National Capital Region (NCR); 10 sa Region 6; 27 sa Region 10 at 46 ang Returning Overseas Filipinos o ROFs.
Ayon kay Usec. Vergeire, patuloy ang ginagawang contact tracing o back tracing upang mahanap ang iba pang nakasalamuha ng 16 na na local cases ng Delta variant sa bansa.
Naniniwala rin si Vergeire na galing pa rin sa ibang bansa ang mga natukoy na local cases ng Delta variant.
Ang Philippine Genome Center o PGC naman aniya ay patuloy na nag-aanalisa sa mga sample at ang lineage ng mga ito.
Facebook Comments