Nakadeploy ngayong holy week ang 91, 201 na pulis na bahagi ng Oplan “ligtas SUMVAC 2019”.
Inihayag ito ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde. Aniya ang mga pulis na ito ay naka-duty at nakatalaga sa route security, target hardening at security operations partikular sa mga “places of convergence” at iba’t ibang mga terminal ng sasakyan sa 17 rehiyon sa buona bansa.
Iniulat ni Albayalde na sa ngayon ay nakapagtala na ang PNP ng 23 insidente na nagresulta sa pagkamatay ng 15 At pagkasugat ng 13.
Ang mga insidenteng ito ay binibuo ng 12 pagkalunod, 3 aksidente ng sasakyan, isang pamamaril, isang kaso ng physical injury, at 4 na kaso ng pagnanakaw.
Facebook Comments