Pasado alas-tres mamayang hapon, dadating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 91 Overseas Filipino Workers (OFWs) na unang nai-stranded sa India.
Kabilang sa naturang batch ang 68 Filipino seafarers mula Mumbai.
Sila ay otomatikong sasailalim sa swab test bago idiretso sa quarantine facilities ng gobyerno.
Samantala, isa pang batch ng OFWs na naka-kumpleto ng 14-day mandatory quarantine ang nakauwi na rin sa kanilang mga pamilya.
Sila ay inihatid ng shuttle bus ng gobyerno sa kanilang mga lalawigan.
Facebook Comments