Ilulunsad ng Technical Education and Skills Development Authority ang “911 TESDA” app sa National Capital Region (NCR) sa Hulyo 18.
Ito ay karaniwang gumagana tulad ng Grab and Uber, ngunit sa halip na rides, sa App maaaring kumuha ng serbisyo ng mga nagtapos sa TESDA.
Ito ay bahagi ng employment objective ng gobyerno, at tulungan ang mga nais madagdagan ang kanilang kita.
Mandato ng TESDA hindi lamang magbigay ng edukasyon o pagsasanay, kundi tulungan ang mga graduates na humanap ng trabaho at livelihood opportunities.
Nilalayon din ng App na ito na gawing mas madali para sa publiko, o sa mga tao na nangangailangan ng serbisyo, upang makahanap ng mga manggagawa.
Pitong Digital Online Service Providers (DOSPs) ang nangakong makikipagtulungan sa TESDA-NCR para sa App.
Ayon sa TESDA, sinabi ng mga DOSP ay mayroon 42,000 tao sa NCR, na mangangailangan ng serbisyo ng certified TESDA graduates.
Kabilang sa mga in-demand na serbisyo ay ang massage, carpentry, housekeeping, programming at call center.
Maaaring mag aplay ang TESDA graduates para maging accredited ng Digital Online Service Providers (DOSPs).
Sasalain ng DOSP ang mga mangagawa na kanilang ipadadala sa mga nangangailangan ng serbisyo.
Ito ay magbibigay sa mga graduates ng TESDA ng opsyon na magtrabaho sa DOSP, mapa full time man o part timer, depende sa kanilang abilidad.
Nilinaw ng TESDA tanging mga graduates mula 2017 lamang ang maaari makibahagi sa programa, dahil ito ang mga graduates na nasa online database system ng ahensya.