Cauayan City, Isabela- Bahagyang tumaas sa 92.4% ang nabakunahan na kontra COVID-19 sa buong lalawigan ng Isabela.
Sa datos na ibinahagi ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Enero 26, 2022, mula sa dating 92.1% kahapon, tumaas ito ngayon sa 92.4 porsyento na katumbas ng 1,007,675 katao na nabigyan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Tumaas rin sa 55.8% o katumbas ng 900,195 indibidwal ang naturukan na ng 2nd dose ng bakuna o maituturing na “Fully Vaccinated”.
Nasa 82 porsyento na rin ang vaccination consumption ng Isabela.
Ang mga naturang datos ay maliban pa sa vaccination rate ng Santiago City.
Samantala, patuloy pa rin ang panawagan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa mga hindi pa nagpabakuna na magtungo sa mga vaccination sites para mabigyan na ng COVID-19 vaccine.
Facebook Comments