Umano’y pagkawala ng mga sabungero sa Laguna at Maynila, tinututukan na ng PNP-CIDG

Pinatututukan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang insidente mg mga sabungerong nawawala.

Ito’y matapos mapaulat ang sampung kalalakihan na nagpunta sa magkahiwalay na sabungan sa Laguna at Maynila at mahigit isang linggo nang nawawala.

Ayon kay PNP chief, hindi pa sigurado kung magkaugnay ang dalawang insidente.


Pinaiimbestigahan niya na ito para matukoy kung may pattern nga ba ang mga pagpakawala.

Bukod dito, sinabi ni Carlos na pinapaalam niya na sa CIDG kung may mga dating kaso na rin ba ng mga sabungerong nawawala.

Importante aniya ito para mabigyang linaw ang koneksyon ng mga ito.

Matatandaamg lumutang ang anggulo na baka ang laglagan sa laban o game fixing ang ugat ng pagkawala ng grupo.

Facebook Comments