92 dagdag na Active Cases ng COVId-19 sa Ilocos Norte, naitala, 89 sa mga ito ay bilanggo

iFM Laoag – Nagulantang ang buong lalawigan ng Ilocos Norte kagabi lalung-lalo na ang Laoag City matapos maitala ang siyamnapu’t dalawang (92) bagong kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ginawang expanded targeted testing ng Ilocos Norte Provincial Jail (INPJ).

Walumpu’t siyam nito ay mga Persons Deprived of Liberty o mga bilanggo at lahat ng mga ito ay Asymptomatic.

Datapwa’t mahirap ang isolation sa ganitong pasilidad dahil siksikan ang mga bilanggo, ginagawa ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte ang lahat makakaya upang mapatigil ang pagkalat ng naturang sakit.


Nitong nakaraang Biyernes ay ipinatupad ang localized modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lungsod ng Laoag dahil sa mabilis paglobo ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Sa ngayon, ito na ang pinakamataas na bilang ng mga naitala sa iisang araw. Nasa isangdaan siyamnapu’t apat (194) ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso ngayon ng COVID-19 sa buong lalawigan. – Bernard Ver, RMN News

Facebook Comments