92 mga sundalo at civilian employees ng AFP, sinibak matapos magpositibo sa iligal na droga

Manila, Philippines – Sinibak sa pwesto ng pamunuan ng Department of National Defense (DND) ang siyamnapu’t dalawang mga sundalo at civilian employees ng Armed Forces of the Philippines makaraang magpositibo sa iligal na droga.

Sa rekord ng DND nang nakalipas na buong taong 2016, isang military officer, 64 enlisted personnel, 14 na civilian active auxiliaries at apat na sibilyan ang sinibak ng DND.

Habang sa 1st quarter ng taong kasalukuyan, siyam na enlisted personnel ang sinibak.


Ang bilang ng mga nasibak ay batay sa 30,974 military officers, enlisted personnel, at civilian employees ng AFP na sumailalim sa drug testing sa buong taon ng 2016 at 1st quarter ng 2017.

Samantala ang hakbang na ito ng DND ay bilang pagsuporta sa Anti-Illegal Drugs Operations ng PDEA at PNP.

Facebook Comments