92 percent ng mga establisimyento sa bansa, na-inspeksyon na ng DOLE; Pagsunod sa mga ipinapatupad ng minimum health protocols, tiniyak!

Aabot na sa 92% establisimyento ang nainspeksyon ng Department of Labor and Employment (DOLE).

May kaugnayan ito sa pagtitiyak ng DOLE kung nakakasunod sa minimum health protocol ang mga establisimyento sa bansa upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Pero aminado si Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez na mayroon pa ring mga employer at mga negosyo na talagang matigas ang ulo.


Bunsod nito, nagbabala ang opisyal na may kahaharaping multa ang mga establisimyento na abbot sa P100,000 sa bawat araw na paglabag.

Facebook Comments