Pilipinas, pangalawa sa “Most Instagrammable Places” sa buong mundo ngayon taon!

Pumangalawa ang Pilipinas sa “Most Instagrammable Places” ngayong taon.

Batay sa isang travel website, inilarawan ang Pilipinas bilang “Home to Incredible Natural Wonders” dahil na rin sa mga magagandang tanawin sa bansa na patok bilang Instagrammable.

Inihalimbawa rito ang Underground River sa Palawan, Banaue Rice Terraces, Boracay at mga makasaysayang lugar sa bansa tulad ng lungsod ng Maynila.


Natalo ng bansa ang ilang tanyag na destinasyon tulad ng Paris, France; Istanbul sa Turkey; Dubai, UAE; Havana, Cuba; Sydney, Australia; London, England; New York City at Chicago sa Amerika.

Facebook Comments