93 Bagong air con, naikabit na sa mga tren ng MRT-3

39

Aabot sa 93 bagong air conditioners ang naikabit sa mga tren ng Metro Rail Transit o MRT Line 3.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dagdag ito sa 33 bagong air con na una nang ikinabit noong agosto at 60 air conditioners noong 2018.


Sa kabuoan, nasa 120 brand new airconditioners na nagkakahalaga ng 167 Million pesos ang ibinili sa ilalim ng MRT-3 Comprehensive Rehabilitation Program.

Nitong Hulyo naman, higit 4,000 piraso ng riles na gawa ng Japan ang dumating na sa bansa para sa Rail Replacement Program ng MRT-3.

Ang 43 month rehabilitation at maintenance ng MRT-3 ay pinangungunahan ng Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries at Tes Philippines.

Facebook Comments

From Advertisers