Dalaga, Sugatan nang Tagain ng Isang Lolo!

450

*Cauayan City, Isabela-* Patuloy na nagpapagaling sa pagamutan ang isang dalaga matapos na tagain ng kabitbahay na lolo sa Brgy. Sta Luciana, Cauayan City, Isabela kahapon.

Kinilala ang biktima na si Renalyn Soliven, 24 anyos habang ang suspek ay nakilalang si Domingo Nelmida, 61 anyos, may asawa at kapwa residente sa nasabing barangay.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Cauayan City, nag-iinuman ang biktima at mga kasama nito ilang metro lang ang layo mula sa bahay ng suspek at makalipas ang ilang sandali ay binato umano ng biktima ang bahay ng suspek.

Agad namang lumabas mula sa kanyang bahay si Nelmida na may hawak na pantabas at dali daling tinaga ang kaliwang bahagi ng ulo ng biktima.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong pananaga.

Facebook Comments

From Advertisers