Mula sa 75% ay tumaas na sa 93% ang workforce ng Philippine General Hospital (PGH) na handang sumailalim sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Ayon kay PGH Spokesman Dr. Jonas Del Rosario, bunga ito ng kanilang ginawang pagpapatala at screening sa kanilang mga empleyado sa nakalipas na tatlong araw.
Tiniyak din ni Dr. Del Rosario na kailbilang siya sa mga frontliners ng gobyerno na unang tatanggap ng bakuna.
Aminado naman si Del Rosario na hindi perpekto ang pagkakagawa ng bakuna pero 95% aniya ang efficacy nito.
Si Dr. Del Rosario ay dalawang beses na tinamaan ng COVID-19 noong April at July ng nakalipas na taon.
Facebook Comments