Lumabas sa ulat ng International Criminal Court (ICC) na 94% ng mga biktima ang nagsasabing dapat na imbestigahan ang umano’y madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Duterte.
Ang nasabing porsyento ay nakabase sa 204 victim representations na isinumite sa ngalan ng 1,530 na biktima at 1,050 na pamilya.
192 sa mga ito ang nagnanais ng tunay na imbestigasyon na isasagawa lamang ng international court para alamin ang pagkakakilanlan ng mga may sala maging ang totoong pangyayari para malinis ng pamilya ang pangalan ng mga biktima.
Nais din nilang wakasan na ang nagaganap na extrajudicial killing sa bansa at panatilihin ito hanggang sa mga susunod na panahon.
Dahil dito, tiniyak ng ICC Judges na masusi nilang pag-aaralan ang lahat ng impormasyon kanilang natanngap at iibigay ang kanilang desisyon sa Office of the Prosecutor (OTP) sa tamang panahon.