94,000 PAMILYA SA PANGASINAN, APEKTADO SA MAGKAKASUNOD NA BAGYO

Umabot sa 94,000 pamilyang Pangasinense mula sa 26 na bayan ang apektado ng magkakasunod na bagyo base sa pinakahuling talaan ng Pangasinan PDRRMO nitong weekend.

Ayon kay Pangasinan PDRRMO Operations Head Vincent Chiu, bahagya ng bumaba ang kasalukuyang lebel ng tubig sa mga binabantayang river system ngunit binabantayan pa rin ang sitwasyon sa pag-apaw ng tubig sa Marusay River sa Calasiao.

Aniya, patuloy pa ang assessment at koordinasyon sa mga barangay na apektado mula sa pagkasira ng bahagi ng dike sa Brgy. Vicente, sa nasabing bayan.

Mula nang manalasa ang Bagyong Nando, nakaranas ng malakas na buhos ng ulan ang Pangasinan dahilan upang umabot hanggang Orange Level Heavy Rainfall Warning ang inilabas ng PAG-ASA kasabay ng pagsasailalim sa Signal No. 1 hanggang sa pagdaan ng Bagyong Opong.

Bagamat unti-unti nang humuhupa ang tubig baha sa ilang bayan, tiniyak ni Chiu na naka high alert pa rin sila sa kabuuang pinsalang idinulot sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments