Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa PDRRMO Abra, naitala ang walumpu’t anim na sugatan habang apat ang binawian ng buhay dahil sa paglindol.
Ayon sa mga awtoridad, nasira rin ang ilang tulay sa Agtangao, Calaba, at San Antonio, Bangued at Lagangilang.
Nasa kabuuang dalawampu’t lima (25) na katao mula sa Lumaba hanggang Tuquib, Villaviciosa ang inilikas sa mas ligtas na lugar.
Ayon kay Bise Gobernador Bernos, 70 kabahayan ang nasira at higit 20 Government Building at tatlong tulay ang napinsala ng lindol.
Samantala, ayon kay PMaj. Gary Gayamos, tagapagsalita ng PNP Kalinga, siyam ang naitalang sugatan sa lalawigan habang isa (1) ang naitalang patay na residente ng Tandang Sora, Quezon City.
Patuloy naman ang ginagawang assessment ng mga awtoridad upang matukoy ang halaga ng pinsala sa imprastraktura matapos ang nangyaring malakas na pagyanig.