95 to 100% percent na turnout ang inaasahan ng Comelec sa ginaganap na plebisito sa Mindanao kaugnay ng Bangsamoro Organic Law (BOL).
Kinumpirma ni Comelec spokesman James Jimenez na walang naging problema sa distribusyon ng election paraphernalia at wala aniyang naging kakapusan sa lahat ng election forms.
Ala una pa lamang kaninang madaling araw ay sinimulan na ang pamamahagi ng election materials.
Bukod ngayong araw na ito, itinakda ng Comelec ang ikalawang araw ng plebisito sa Pebrero a sais.
2.8 million na mga botante ang inaasahang boboto sa plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Facebook Comments