Mga kongresista, nagpaabot ng pagbati kay Sen. Pacquiao

Bumuhos ang mga papuri kay Senator Manny Pacquiao mula sa mga dating kasamahan sa Kamara.

Nagpaabot na ng pagbati si House Speaker Gloria Arroyo sa muling pagbibigay ni Pacquiao ng karangalan sa bansa.

Para kay Deputy Speaker Raneo Abu, hindi na naman binigo ng pambansang kamao ang pagbibigay inspirasyon sa buong sambayanan lalo na sa mga panahon kung kailan ito kailangan.


Sinabi naman ni PBA partylist Representative Jericho Nograles na ipinakita ni Pacquiao ang pagiging bayaning atleta at wala sa edad ang kanyang pagkapanalo laban sa batang boksingerong si Adrien Broner.

Naniniwala naman si Samar Representative Edgar Mary Sarmiento na marami pang ibubuga si Pacquiao hanggag sa ito ay magretiro at isa sa inaabangan pa nila ay ang rematch kay Floyd Mayweather.

Dagdag naman dito ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, nakatatak na sa kasaysayan ang husay ni Pacquiao at maipapasa ang pagiging ‘great fighter’ nito sa mga susunod na henerasyon.

Facebook Comments