95th Infantry Battalion, Kampeon pa rin sa Shooting Competition

14

*Cauayan City, Isabela- *Muling nakuha ng 95th Infantry ‘SALAKNIB’ Battalion ang kampeonato sa katatapos lamang na 6th RANGER OLEN CHALLENGE o Inter-Unit Glock Challenge Shooting Competition na ginanap sa Camp Melchor F Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Pinangunahan ito ni Captain Reynaldo Guillermo Logistic Officer ng nasabing yunit kasama ng kanyang team sa pamumuno ng Commanding Officer LTC Lemuel Baduya.


Mula sa lahat ng yunit sa ilalim ng 5th ID na lumahok sa patimpalak at nananatili pa rin ng Salaknib Battalion ang kanilang trono dahil wala pang tumatalo sa kanila simula ng magkaroon ng shooting competition.

Malaking hamon sa nasabing hanay ang nasabing patimpalak dahil nilaanan ito ng puspusang pag-eensayo ng mga kalahok maging ang buong tropa ng 95th IB kaugnay sa tamang paghahawak ng baril at pag puntirya sa target.

Facebook Comments