96 mula sa 114 katao, Nakarekober sa banta ng COVID-19 sa Santiago City

Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa 114 o katumbas ng 0.08 na populasyon ang naitalang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod ng Santiago.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU).

Batay rin sa datos, 96 katao ang nakarekober sa nakamamatay na sakit o 84% ng kumpirmadong kaso ng virus.


Bukod dito, pumalo naman sa 4,748 o 2.4% ang nagpositibo sa nasabing sakit.

Sa ngayon ay nasa 17 ang nananatiling aktibong kaso ng virus sa lungsod o katumbas ng 15% confirmed cases nito.
Habang naitala naman ang isang (1) kumpirmadong namatay may kaugnayan sa COVID-19.

Paalala naman ng mga dalubhasa na ugaliin pa rin ang pagsusuot ng face mask at face shield maging paghuhugas ng kamay para makaiwas sa posibleng pagkalat ng sakit.

Facebook Comments