Nabigyan ang 96 na magsasaka sa Pangasinan ng C-Titles o computerized titles ng lupa na benepisyaryo ng project SPLIT o Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) ng Department of Agrarian Reform (DAR) at sinuportahan ng the World Bank.
Matatandaang idinulog ng DAR ang naturang programa sa pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Amado I. Espino III noong nakaraang taon at malugod itong tinanggap at buong pusong sinuportahan ng butihing gobernador.
Hinimok ng gobernador ang mga benepisyaryo na alagaan at mahalin ang lupang kanila ng pag-aari ngayon matapos ang 30 taon na kanilang hinintay upang mapasakamay nila ang lupang kanilang sinasaka at tinitirhan.
Samantala, pinuri naman ni DAR Undersecretary Virginia N. Orogo ng Foreign Assisted and Special Projects Office, ang World Bank sa suportang ipinagkaloob nito sa “parcelization of lands project” na isang kasagutan upang maiahon sa sadlak na kalagayan ang mga magsasaka.
Sa ilalim ng project SPLIT, pinagkalooban ang lalawigan ng 16,774.5152 hectares o 2,364 landholdings upang ma-parsela. | ifmnews
Facebook Comments