MASS WITHDRAWAL NG SUPORTA SA COMMUNIST GROUP, NAGANAP SA BAYAMBANG

39

Naging matagumpay ang pagbabalik loob Sa gobyerno ng ilan sa mga kabilang sa makakaliwang grupo kung saan dahil sa inisyatibo ng Regional Intelligence Unit 1 (RIU 1) ng PNP Intelligence Group (IG), naganap ang Mass Withdrawal of Support to Communist Terrorist Group (CTGs) ng humigit kumulang isang daang miyembro ng Ulupan na Umbaley ed Camp Gregg Military Reservation sa Bayambang.

Ang nasabing grupo na konektado sa tinaguriang CTGs ay kusang-loob at buong pusong nagpahayag ng kanilang suporta sa lokal na pamahalaan at sa gobyerno ng Pilipinas. Saksi rin sa kaganapang ito ang mga opisyal ng PNP at LGU-Bayambang.

Kaugnay naman nito, ang alkalde ang siyang naging tagapangulo ng oath-taking ceremony at nagbigay rin ito ng mahalagang mensahe para sa mga partisipante. Nabigyan naman din ng Php5,000 sa bawat miyembro para umano ay makapagsimula at maitaguyod ng mga dating kasapi ang kanilang kabuhayan.

Bukod dito, nagbigay din ng grocery packages sa lahat ng mga nag-withdraw ng suporta sa CTGs at nagbalik-loob sa gobyerno. | ifmnews

Facebook Comments