96 pamilya na apektado ng bakbakan sa Sarangani province-binigyan na ng tulong

General Santos City—Binigyan na ng tulong ng lokal na pamahalaan ng Sarangani Province ang 96 na pamilyang apektado sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng tropa ng 27th Infantry Battalion, Philippine Army at ng grupo ng New People’s Army sa boundary ng Barangay Lumasal, Maasim, at Barangay Katubao, Kiamba, Sarangani Province.

Ang 96 na pamilya na kinabibilangan ng mahigit 300 individuals ay kasalukuyang nananatili ngayon sa Lumasal Elementary School. Sinabi ni Sarangani Governor Steve Chiongbian Solon na kahapon nagpadala na sila ng Food packs at mga gamit kagaya nalang ng kumot, mga gamit sa kusina at iba pang kakailanganin nila habang silay nasa evacuation center.

Dagdag pa ni Governor Solon, sa ngayon sisiguraduhin muna nila na ligtas na ang dalawang barangay na apektado ng bakbakan bago sila payagan na maka-uwi sa kanikanilang mga bahay.


Samantala sinabi naman ni Maasim Mayor Uttoh Salem Cutan na kontrolado na ng mga sundalo ng gobyerno ang lugar pero nagpapatuloy pa sa ngayon ang kanilang ginagawnag clearing operation.

Kinumperma naman ni Mayor Cutan nga hanggang ngayon wala pang identity ang tatlong kasapi ng NPA na una nang binawian ng buhay kasabay ng bakbakan.

Facebook Comments