97.6% na mga batang nabakunahan sa mundo, hindi nakaranas ng adverse events

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na karamihan sa mga kabataang naturukan ng bakuna kontra COVID-19 sa buong mundo ay hindi nakaranas ng adverse events.

Ayon kay DOH USec. Maria Rosario Vergeire, 97.6% ang hindi nakaraanas ng adverse events mula 8.7 million na mga batang nabakunahan sa buong mundo.

Tiniyak din ng kalihim na kung sakaling magkaroon ng adverse events ay mild lamang ang mga ito tulad ng papanakit ng braso, pananakit ng ulo, at pamamantal na maaaring gamutin sa bahay at mawala makalipas 2 hanggang 3 araw.


Gayunpaman ay nilinaw ni Vergeire na hindi mandatory ang pagbabakuna kasunod ng petisyon na inihain ng dalawang magulang sa Quezon City – Regional Trial Court upang ipatigil ang pediatric vaccination.

Facebook Comments