Halos 60-M na Pilipino, fully vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa 59.5 milyong indibidwal ang nakatanggap ng kompletong bakuna laban sa COVID-19.

Tintatayang 7.8 milyon sa kabuuang bilang ang nakatanggap na ng booster shot at 60.5 milyon naman ang first dose.

Nabatid din na nasa128 million doses na ng iba’t-ibang brand ng bakuna ang naiturok sa mga kwalipikadong indibidwal sa buong bansa.


Samantala, target ding mabakunahan ng pamahalaan ang higit 2 milyon na kabataang 5 hanggang 11 taong gulang sa CALABARZON sa nalalapit na pagsisimula ng pediatric vaccination.

Facebook Comments