Nasa 97% ng mga Pilipino na ang functionally literate.
Ibig sabihin, nasa tatlong porsyento na lamang ng populasyon ang hindi marunong magbasa, magsulat at magbilang.
Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Tonisito Umali – target nila ang 100% functional literacy.
Pero aminado si Umali na may ilang estudyante ang hindi pa functionally literate pero nakakapag-accelerate sa mataas na grade level.
Katuwang ng DepEd ang World Vision Philippines para sa paglulunsad ‘Brigada Pagbasa,’ hakbang para mapagbuti ang functional literacy ng mga batang Pilipino.
Facebook Comments