Umabot sa 97 presidential aspirants ang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa 2022 national elections.
Kabilang sa ilang kilalang maglalaban para sa pagkapangulo ay sina Senator Manny Pacquiao, Manila Mayor Francisko “Isko” Moreno, dating Senator Bongbong
Marcos, Vice President Leni Robredo, Senator “Panfilo” Ping Lacson at ang pinakahuling naghain na si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Habang 29 ang naghain ng COC para sa posisyon ng bise-presidente kabila sina Buhay Party-list Representative Lito Atienza, Health advocate Dr. Willie Ong, Senate President Tito Sotto, Senator Kiko Pangilinan, at Senator Bong Go.
176 naman ang nagnanais na maging senador at 270 partylist representatives din ang nagsumite na ng kanilang Certificates of Nomination and Acceptance (CONA).
Samantala, inihayag ng Commission on Elections (Comelec) Commissioner Chairman Sheriff Abas na naging matagumpay ng walong araw na paghahain ng kandidatura sa buong bansa.
Sa kabila ng nararanasang pandemya, tiniyak ng COMELEC na naging maayos ang paggulong ng nasabing aktibidad.