98 Bilibid guards, nakatakdang isailalim sa leadership seminar ayon sa BuCor

Nakatakdang isailalim sa leadership seminar ang aabot sa 98 jail guards na natanggal sa kanilang pwesto sa maximum-security compound ng National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr., na hindi lang persons deprived of liberty (PDL) ang kanilang isinasailalim sa reporma, kabilang rin aniya sa kinakailangan ireporma ay ang kanilang mga tauhan na naliligaw na ng landas.

Nasa 48 na jails guard ang naka schedule sa May 30 habang ang 50 naman ay naka-schedule sa May 31 ng kasalukuyang taon.


Paliwanag pa ni Catapang na nais niyang anihin ng kanilang mga tauhan ang serbisyong ibinigay nila para sa kawanihan kaya kinakailangan nilang maging matiyaga at magbago sa kanilang masasamang gawain.

Samantala, ang 98 jail guards na ito ay bahagi lamang ng 700 na opisyal ay personnel ng BuCor na natanggal sa kanilang trabaho noong Abril 14 dahil sa kanilang hindi kanais-nais na gawain.

Facebook Comments