98 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pasay City

Umakyat na sa 19,472 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay.

Kasama sa nasabing bilang ang 1,087 na active cases matapos makapagtala ang Pasay City health office ng 98 na bagong kaso sa lungsod.

Batay sa tala ng Pasay Public Information Office, as of September 15, biglang tumaas ang bilang ng mga kaso sa lungsod.


Ito’y dahil sa pinaigting na contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa naturang virus.

Nakapagtala ang City Epidemiological Surveillance Unit o CESU ng 15,727 mula sa 143 o 71% na mga barangay na may kabuuang 694 houses.

Umabot na rin sa 17,898 ang bilang ng mga naka-recover sa naturang sakit kasama na rito ang 82 panibagong gumaling sa COVID-19.

Facebook Comments