98% ng naibaba sa mga Local Government Units (LGUs) ang pondo sa ilalim ng Social Amelioration Fund.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista, mahigit 80.7 bilyon pesos na ang pondong naipamahagi sa may 1,500 na LGU Sa bansa.
42 billion pesos na ang tinanggap ng abot sa 8.2 million na SAP beneficiaries.
Abot sa 4.5 billion na SAP fund ang naibigay na sa mga non-4Ps beneficiaries.
Nasa 16.3 billion pesos naman ang naipamigay sa mga 4ps beneficiary na mga card holder.
26.4 million naman na tulong pinansyal ang tinanggap na ng mga 4Ps beneficiaries na walang cash card account.
323 million naman ang naibigay na sa abot sa 40,000 na PUV drivers sa National Capital Region.
Ani Bautista, medyo natatagalan ang distribusyon ng cash assistance dahil sa sinusunod na proseso ng mga LGUs.
Nanawagan naman ang kalihim sa mga nadoble ang nakuhang ayuda na isauli ito. May iilan kasi na nakakuha ng ayuda sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa SAP.
Tiniyak ng ahensya na mas paiigtingin pa nito ang validation at assessment upang masiguro na maayos na maipapatupad ang pamamahagi ng ayuda sa mga kwalipikadong benepisyaryo.