98% ng mga benepisyaryo ng unang tranche ng SAP, nakatanggap na ng ayuda

Umabot na sa 98% ng mga benepisyaryo ng unang bahagi ng Social Amelioration Program (SAP) ang nakatanggap ng cash aid.

Sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, nasa 17,579,395 na pamilya ang natulungan ng Assistance to Individuals in Crisis (AICS) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagkakahalaga ng ₱99.34 billion.

Patuloy ring binabantayan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagtalima ng Local Government Units sa cash distribution sa low-income families.


Nasa 1,259 LGUs na ang nakapagsumite sa DILG ng listahan ng mga kwalipikado pero waitlisted o left-out beneficiaries.

Nasa 1,984,787 ang nakapagrehistro sa ReliefAgad system ng DSWD.

Karagdagang isang bilyong piso ang inaprubahan para sa Abot-Kamay ang Pagtulong (AKAP) ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga displaced OFWs.

Nasa 657,201 target beneficiaries ang natulungan ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Aabot naman sa 337,198 beneficiaries ang natulungan ng Tulong Panghanapbuhay para sa ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program na nagkakahalaga ng ₱1.264 billion.

Ang Department of Agriculture ay nakapagsilbi sa 585,914 beneficiaries sa ilalim ng Financial Subsidy for Rice Farmers Program (FSRF).

Facebook Comments