Nasa 98 percent na ng populasyon ng mga bata sa buong bansa ang nabakunahan ng Department of Health (DOH) kontra tigdas.
Resulta ito ng muling pagsigla ng School-Based Immunization Program ng ahensya matapos ang kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.
Target ng DOH na mabakunahan ang nasa 10-milyong mga estudyante mula kindergarten hanggang grade 7 pagsapit ng Setyembre.
Sa datos ng DOH nasa 12% hanggang 14% pa lang ng populasyon nito ang nababakunahan mula nang umpisahan ang programa nitong Hunyo.
Habang 43% na ng 2-million target population ng DOH para sa mga 12-anyos pataas ang nabakunahan.
Muli namang nanawagan ang DOH sa mga magulang na hayaang mabakunahan ang kanilang mga anak.
Facebook Comments