Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nasa 980 Utility Vehicles (UV) Express ang balik sa kalsada simula sa Lunes, June 29, 2020.
Ito’y matapos aprubahan ni LTFRB Chairman Martin Delgra ang aplikasyon ng 980 UV Expresss na bibiyahe sa 47 na ruta sa Metro Manila at kalapit na probinsiya.
Alinsunod na rin ito sa calibrated approach ng Department of Transportation (DOTr) sa panunumbalik sa operasyon ng public transportation sa Metro Manila sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Imomonitor ni Delgra ang dami ng mga pasahero sa Lunes.
Sakali aniya na kukulangin ang mga pinalabas na UV Express, dito na nila kakailanganin ideploy ang mga modern at traditional jeepneys.
Ipinaalala pa ni Delgra sa mga operator at driver ng UV Express na sumunod sa LTFRB Memorandum Circular 2020-025 na nagbabawal sa pag-pick up at drop-off ng mga pasahero.
Hindi rin maaaring makapagtaas pasahe ang mga driver ng UV Express.