Ilang bahagi ng Quezon City, mawawalan ng kuryente bukas

Mawawalan ng suplay ng kuryente ang ilang bahagi ng Quezon City bukas, June 28, 2020.

Sa inilabas na abiso ng Manila Electric Company (Meralco), mararanasan ang power interruption mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 11:00 ng umaga.

Kabilang sa mga maaapektuhang lugar ay ang bahagi ng 13th Avenue mula sa Florence Townhomes IV hanggang Col. Bonny Serrano Avenue sa Barangay Socorro.


Ang power interruption ay bunsod ng gagawing installation ng mga bagong pasilidad sa kahabaan ng 13th Avenue sa Barangay Socorro, Cubao sa QC.

Facebook Comments