99.5 iFM at Bankers Association of Laoag City and Ilocos Norte, 5 years na1

Sa ikalimang pagkakataon muling naging bahagi ang 99.5 iFM bilang official radio partner sa taunang BALCIN Fun Run na ginanap noong Sabado, June 10, 2017 sa Marcos Stadium, Laoag City na nilahukan ng iba’t ibang organisasyon sa Ilocos Norte.
Ito ay inorganisa ng mga miyembro ng Bankers Association of Laoag City and Ilocos Norte – BALCIN) na pinapangunahan ni BALCIN President at Security Bank Manager Albert Casas.
Ang BALCIN Fun Run 2017 ay nailunsad sa pakikipagtulungan ng Team Kimat at Ilocos Norte Medical Society at ang kaganapan ay kasabay na rin sa paggunita ng ikadalawampu’t apat na selebrasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Norte Medical Society

Facebook Comments