Selebrasyon ng araw ng kalayaan, sasabayan ng kilos protesta

256

Manila, Philippines – Sasabayan ng kilos protesta ang selebrasyon ng Independence Day ngayong araw.

Magsasama-sama ang mga religious leaders, mga aktibista, mga dati at kasalukuyang mambabatas sa bantayog ni Andres Bonifacio sa tabi ng Manila City Hall para hilinging alisin na ang martial law sa Mindanao.


Maliban rito, hihilingin din ng grupo na itigil na ng Armed Forces of the Philippines ang aerial bombing sa Marawi City.

Kabilang sa mga mangunguna sa rally ay sina dating Senador Rene Saguisag, Kit Tatad, Makabayan Bloc sa Kamara, at iba’t ibang militanteng grupo.
DZXL558

Facebook Comments