99.5 iFM, Pinasaya ang Mahigit Walumpung mga Bata sa 65th Anniversary ng RMN

Isa sa hindi matatawarang kasiyahan ang naidulot ng 99.5 iFM sa naganap na iFM Mission 2017: Feeding Program kasabay ng selebrasyon ng ika 65th Anibersaryo ng Radio Mindanao Network, Inc. o RMN sa mahigit walumpung mga bata sa Brgy. 48-B Cabungaan, Laoag City noong August 28, 2017.

Makikita sa mga mata ng mga bata ang labis na galak at saya sa nangyaring outreach program na kung saan kasama ang kanilang mga magulang na naglaro ng longest line, sack race, hitting the pot, pabitin at iba pa na mistulang naging children’s party sa barangay, nagkaroon din ng distribusyon ng gamot at bitamina at tsinelas para sa mga bata.

Lubos din ang pasasalamat ng Punong Barangay na si Mr. Nestor D. Villa sa pagpili ng kanilang lugar na pinagdarausan ng outreach program ng istasyon at maging bahagi ng selebrasyon ng ika 65th Anibersaryo ng RMN.


At bilang pasasalamat ng RMN ay nagkaroon at ginanap sa isang araw lamang ang RMN Six Fifty…sa 65th Anniversary Promo na kung saan naglibot sa buong Laoag ang iFM Team at namigay ng Cash Prize sa tumatangkilik at nakikinig ng RMN at iFM, on the spot at on air ang naging nanalo ng tig P650.00 ng sampung masuswerteng nakikinig ng 99.5 iFM.

iFM Mission 2017: Feeding Program ay inihatid din kasama ang SMR Motorparts, Cabalen Robinsons, New Laoag Photo Center and Go Print Tarpaulin, Medi Rx, Inc. Pharmaceutical Laboratories, The Living Gates of Praise Church, Inc., Taisho Pharmaceutical, Road Runners, Vertext Handyphones, My Travelicious, Aluag Construction Supply, Ron and Joy Fresh Eggs, Justine’s Farm Supply and Beauche International, Partyholics Events and Party Needs, Garry’s Thai Massage, Camille Angel Hardwood at Kubong Sawali.

Facebook Comments