BIFF nakasagupa ang pwersa ng MILF at AFP sa Mamasapano

Muling sumiklab ang kaguluhan sa bahagi ng Sitio Caguco Brgy. Tukanalipao Mamasapano Maguindanao.

Sinasabing mga elemento ng BIFF na pinangungunahan ni Kumander Marof ang nakasagupa ng MILF at 40th IB ng military.

Nagsimula ang engkwentro kaninang alas dyes ng umaga at nagpapatuloy ngayong hapon sa impormasyon mula kay Army Col. Gerry Besana, CMO Chief ng 6 th ID.


Sa initial na impormasyon isa ang napaslang sa hanay ng BIFF at madami ang naging sugatan, maliban pa sa mga high powered firearms at mga explosives na narecover sa lugar.

Gumamit na rin ng Air Assets at kanyon ang military para tuluyang matapos ang paghahasik ng lagim ng mga armado.

Kaugnay nito libong pamilya ang apektado sa insidente.(DENNIS ARCON)

6th ID PIC

Facebook Comments