99 milyong Pilipino, target mabakunahan kontra COVID-19 bago matapos ang termino ni Pangulong Duterte

Target ng pamahalaan na mabigyan ng first at second doses ng COVID-19 vaccine ang 77 milyong Pilipino sa unang kwarter ng 2022.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kumpiyansa siyang maaabot na ma-fully vaccinate ang 54 milyong indibidwal bago matapos ang taon.

Sinabi rin ni Duque na layunin din ng administrasyon na mabakunahan ang 90 porsyento ng populasyon ng Pilipinas o 99 milyong Pilipino bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo 2022.


Sa kasalukuyan, nasa 39.7 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang 56.64 milyon ang naiturok ng first dose.

Facebook Comments