
Dumating na sa bansa ang 99 Pilipino mula Kuwait na tumawid sa Dammam, Saudi Arabia.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), naglakbay ng walong oras ang mga Pinoy repatriates patungong Dammam.
At mula Saudi Arabia, sumakay sila sa Gulf Air Flight GF154 at lumapag ngayong araw sa NAIA Terminal 3.
Sinalubong naman ang mga repatriates ng mga tauhan ng OWWA at Department of Migrant Workers (DMW) pagdating sa paliparan.
Binigyan din sila ng transport assistance at iba pang support services upang masuportahan ang kanilang pagbangon.
Facebook Comments










