Friday, April 17, 2026

Pamamahagi ng libreng bigas, sisimulan na susunod na linggo — PBBM

Magsisimula na sa susunod na linggo ang pamamahagi ng libreng bigas sa buong bansa.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipatutupad ito sa pamamagitan ng Local Government Support Fund (LGSF), kung saan inaatasan ang mga lokal na pamahalaan na ilaan ang hindi bababa sa kalahati ng kanilang pondo para sa pagbili at pamamahagi ng bigas.

Tiniyak din ng Pangulo na may sapat na suplay ng pataba para sa darating na taniman, kasabay ng mga hakbang para mapababa ang presyo ng pagkain.

Kabilang dito ang pagbaba sa piso ng bayad sa RoRo terminal para sa mga sasakyang nagdadala ng produktong agrikultura upang mapagaan ang gastos sa transportasyon.

Ayon sa Pangulo, naipamahagi na ang pondo sa mga LGU bago pa sumiklab ang tensyon sa Middle East, kaya handa na ang rollout ng programa.

Dagdag pa rito, nangako ang mga manufacturer na hindi magtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Pinalawak din ng pamahalaan ang 20-pesong bigas na mabibili na sa 627 outlets sa buong bansa.

Facebook Comments