Na-download na sa mga health facilities ang halos P311-million budget para sa Special Risk Allowance (SRA) ng 20,208 medical workers sa bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega, kabuuan itong 99% ng pondo na napamahagi ng pamahalaan.
Ang P311 milyon ay dagdag para sa unang batch ng mga kwalipikadong healthcare worker na hindi pa nakatatanggap ng SRA.
Tiniyak naman ni Vega na nakapag-request na sila ng karagdagang pondo para sa susunod na batch ng mga healthcare workers na makakakuha ng SRA.
Sa ngayon, umaasa na ang DOH ng tugon mula sa Department of Budget and Management (DBM).
Facebook Comments