Aminado ang National Dairy Authority (NDA) na isang prosyento lamang ng suplay ng gatas sa bansa ay locally produced.
Ibig sabihin, 99 percent ng gatas sa Pilipinas ay inaangkat mula sa ibang bansa.
Dahil dito, tiniyak ni NDA Administrator Gabriel Lagamayo na gumagawa na sila ng hakbang upang palakasin ang dairy production sa bansa.
Kabilang dito ang pagpapalakas ng kita ng mga dairy farmer.
Lumalabas sa datos ng Philippine Statistics Authority, aabot lamang sa 44,432 ang populasyon ng dairy animals sa bansa o katumbas ng 20.39 milyong litro na produksyon ng gatas.
Sa kabilang banda, tinatayang nasa halos 1,800 metric tons ng gatas ang inaangkat ng bansa na nagkakahalaga ng higit P37 billion.
Facebook Comments