DOJ, naglabas ng listahan ng 17 indibidwal na ipinapatay umano ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.

Naglabas ang Department of Justice (DOJ) ng listahan ng tao na ipinapatay umano ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr.

 

Tugon ito sa pahayag ng biyuda ni Negros Oriental Governor Roel Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo na nasa 30 tao ang ipinapatay ng kampo ni Teves.

 

Ayon kay DOJ Secretary Boying Remulla, hawak na nila ang inisyal na 17 pangalan ng tao pero patuloy ang paglutang ng iba pang pangalan.


 

Sa ngayon, iniimbestigahan na nila ito upang makakuha ng datos at kailangan gumawa ng case folder upang malaman sino ang mga testigo at kung anong pahayag ang susuporta sa mga alegasyon.

Facebook Comments