997 DAGUPEÑO TARGET MABIGYAN NG LIBRENG BIRTH REGISTRATION

Nasa 997 Dagupeño ang nakatakdang mabigyan ng libreng birth registration.
Layunin nito na ma-verify at ma-rehistro ang mga Dagupeñong wala pang record sa PSA.
Sa tulong ng Philippine Identification System (PhilSys) Birth Registration Assistance Project maaaring ma-verify ang mga Dagupeñong wala pang record nang sa gayon ay ma-irehistro at mabigyan ng kopya ng kanilang birth certificate.

Hiningi ng PSA ang tulong ng siyudad sa ilalim ng Civil Registry Office para sa pagsasagawa nito simula sa pagkalap ng mga pangalan at iba pang impormasyon para sa mobile registration at maabot ang mga unregistered residents lalo na sa mga far-flung areas.
Sa ilalim ng naturang Birth Registration Assistance Project hindi sisingilin ng LGU ang bayad para sa late registration habang libre namang i-iisue ng PSA ang birth certificate ng indibidwal. | ifmnews
Facebook Comments