9th Infantry Division ng Philippine Army, umapela sa NPA na huwag idamay ang mga sibilyan sa kanilang ideolohiya

Legazpi, Philippines – Hiniling ngayong ng pamunuan ng 9th ID ng Philippine Army sa pangunguna ni Major. General Manolita Orense sa rebeldeng New People’s Army na huwag idamay at gawing human shield ang mga kawawang sibilyan na walang kinalaman sa kanilang ipinaglalabang idelohiya sa pamahalaan.

 

Kasunod rin ito ng ginawang pagsira ng NPA sa mga kagamitan ng pamilya Gardose, na aniya labag sa adhikain ng grupo.

 

Nilinaw din ni Orense na binigyan naman ni Pangulong Duterte ang NPA ng mahabang panahon para pagusapan ang kanilang iligal na balakid gayundin ang pagtuloy na pagbalag ng unilateral ceasefire.

 

Binigyan din aniya sila ng pagkakataon na bumalik sa pamahalaan sa ilalim ng Comprehensive Local Intervention Program.



Facebook Comments