Dating hepe ng pulis sa Himamaylan, Negros na idinawit sa drug payola – handang magpa-firing squad kung ito ay mapatunayang totoo

100

Bacolod, Philippines – Handang magpa-firing squad ang dating hepe ng Himamaylan PNP, Negros Occidental na si Supt. Antonieto Canete kung mapapatunayang tumatanggap ito ng pera o drug money mula sa Berya drug group.

 

Nagtungo kagabi sa isang restaurant sa Bacolod City si Canete upang harapin sana ang itinuturing sa bagman ng naturang drug group na si Ricky Sereno na siyang nagdadawit sa pangalan nito sa listahan ng drug payola.

 

Ayon kay Canete, dapat magsabi ng totoo si Sereno dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na idinawit ang kanyang pangalan sa illegal drugs.

 

Mahigit dalawang oras na naghintay si Canete kasama ang mga police at ilang media sa Bacolod ngunit hindi dumating ang naturang drug bag man.



Facebook Comments