PNP, handang magbigay ng assistance kung maglalabas ng arrest order ang senado laban kay suspended Bamban, Mayor Guo

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ng security assistance kung hihingin ng Senate Sgt at Arms.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, ito ay kung ipatutupad na ng Senado ang arrest order laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa kabiguan nitong dumalo sa pagdinig sa Mataas na kapulungan.

Paliwanag ni Fajardo, tungkulin ng Senate Sgt at Arms na ipatupad ang arrest warrant, kung saan tanging police security assistance lamang ang maibibigay ng Pambansang pulisya.


Sa ngayon, ani Fajardo wala pa silang natatanggap na impormasyon kung naglabas na ng warrant of arrest ang Senado laban kay Guo at iba pang sangkot hinggil sa ilegal na POGO sa Tarlac.

Facebook Comments