PNP, pinabulaanang nasa China na si Quiboloy

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na nasa bansa pa rin ang puganteng si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, wala silang impormasyon hinggil sa umano’y nasa China na si Quiboloy.

Ani Fajardo, may mga indikasyon na nananatili pa rin sa Pilipinas ang puganteng pastor.


Magkagayunman, lahat aniya ng mga impormasyon ay kanilang beneberipika.

Una nang sinabi ng PNP na nakakatanggap na sila ng mga impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Quiboloy pero dumadaan pa ito ng verification.

Aniya, nagsimula ang pagtanggap nila ng mga impormasyon hinggil sa kinaroroonan ni Quiboloy matapos mag alok ang ilang pribadong indibidwal ng P10 million reward money para sa ikadarakip ni Quiboloy.

Facebook Comments