A1, PINAKILIG ANG KANILANG FANS SA KANILANG REUNION CONCERT

Pinakilig ng 90s boyband na A1 ang kanilang fans sa dalawang gabing concert nila sa New Frontier Theater noong October 21 at 22 para sa kanilang concert na “A1:Reunited Tour”.

Buong siglang nagperform sina Ben Adams, Mark Read, Chris Ingebrigsten at Paul Marazzi kung saan kinanta nila ang kanilang hit songs na “Like A Rose”, “Everytime”, “Caught in the Middle” at marami pang iba.

Nagperform din ang A1 sa SMX Convention Center sa Davao kahapon, October 23. Susundan ang kanilang A1: Reunited Tour sa Waterfront Hotel & Casino sa Cebu ngayong darating na October 25.


Facebook Comments